Monday, December 4, 2017

Binabalikang Bacolod!

 

Ano ang unang naiisip natin pag nababanggit ang Bacolod?
Chicken inasal, the Ruins, Calea cake, Bongbongs pasalubong at marami pang iba.
At totoo naman lahat yan!

Ang Bacolod City ay sakop ng Negros Occidental. At sa Negros Occidental, marami pang pwedeng puntahan bukod sa Bacolod City. At dahil ikalawang beses ko nang nakabalik ng Bacolod, isusulat ko dito kung ano ang aking mga pinuntahan at kinain.

Nga pala, salamat sa PLAI Congress 2017, ako ay nakabalik ng Bacolod.

Anong mga pwedeng gawin sa Bacolod?

Una: Kumain sa Aling Aida's sa Manokan Country na matatagpuan sa likod ng Sm Bacolod.



Ito ang menu nila. Masarap ang atay, pramis!


Pangalawa: Kumain sa Lord Byron's ng baby back ribs, mura na, masarap pa!

Ito ay matatagpuna sa kahabaan ng Lacson St. 
Pangatlo: Mag-dessert sa Calea Cakes and Pastries na nasa kahabaan din ng Lacson St.

Pili ng flavor!

Pang-apat: Maglakad lakad at hanapin ang kilometer zero.

Ito ay nasa labas ng New Government Building sa may Lacson St. din.

Pang-lima: Bisitahin ang sikat na "The Ruins", and Taj Mahal ng Negros. Mas maganda syempre sa gabi. Take note: Mahirap mag-commute, kaya magyaya ng tropa para mas masaya at mas makamura!

The Ruins
Sa loob ng The Ruins
Gawing photobomber ang The Ruins
Pang-anim: Pumunta ng Isla Lakawon na matatagpuan sa Cadiz City. Mula sa Bacolod, pwedeng sumakay ng bus sa North Terminal papuntang Cadiz at bumaba sa Martisan. Mula Martisan, pwedeng mag-tricycle hanggang sa sakayan ng bangka patawid sa isla.

Puting buhangin!

May duyan din!


Cottages!

Lakawon babes!

Ito pa!
Pang-pito: Pumunta sa Victorias City at i-try ang mga sumusunod:

Fresh siya talaga!



Cansi: bulalong parang sinigang. The best!

Pang-walo: Bisitahin din ang Gawahon Eco-Park

Ang mahabang daan ng mga tubuhan papuntang Gawahon


Entrance sign


Pwedeng mag-overnight dito.


Explore! explore!


Lahat ng natatanaw ko ay hindi akin :)


Into the woods...

Pang-siyam:
Maghanap ng oppa o haciendero sa mga taniman ng tubo! :)

Relationship goals! :)
Panghuli: Wag kalimutang dumaan sa Bongbong's at mamili ng pasalubong pauwi!